Miyerkules, Oktubre 1, 2014

Aralin 2.3 Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

                                Aralin 2.3

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng

Estadistikang Kasarian

“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
     Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
     Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.
     Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
     Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.
     Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigayproteksiyon sa mga kababaihan.

Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento