PAGSULAT NG PABULA
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat
gawin upang makasulat ng magandang pabula.
1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.

2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.

3. Iaayos ang banghay
Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng mga tauhan patungo sa wakas.

4. Ilahad ang naging wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa pamamagitan ng paglalahad ng
kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.

MODAL
Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng
kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa
nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at hangad. Ang
anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.
Dalawang Gamit Nito
1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong
pandiwa.
Hal. Gusto ko ang damit mo.
Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga
modal na gusto,
hangad at kailangan ang
nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa
pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
1. Nagsasaad ng
kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng
hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim
na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng
kakayahan o posibilidad
a. Puwede silang dumating mamaya.
b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng
obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
b. Kailangan mag-aral kang mabuti.
PABULA: ANG SUTIL NA PALAKA
Noong unang panahon, may isang berdeng palaka na
naninirahan sa isang lawa kasama ang inang palaka na isang biyuda.
May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi niya sinusunod ang mga pangaral ng ina. Kapag may sinabi ang inang palaka, kabaligtaran ang ginagawa ng berdeng palaka. Kapag sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro, sa sapa naman siya maglalaro. Kapag sinabi ng ina na umakyat, bababa naman siya. Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa kaliwa siya pupunta.
Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na lamang kahihiyan ang ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.
“Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” Himutok ng Inang Palaka.
“Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at ano mang oras ay maaari akong mamatay? Kailangang gumawa ako ng paraan upang maputol na ang pagiging sutil niya,” sunod-sunod na nausal ng ina sa sarili.
Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang Palaka ang berdeng palaka tungkol sa kabutihang-asal subalit patuloy na binabale-wala ng berdeng palaka ang pangaral ng Inang Palaka. Nagpatuloy pa rin ang berdeng palaka sa pagiging sutil.
Hanggang sa dumating ang panahon na naramdaman ng Inang Palaka na siya’y mamamatay na. Tinawag niya sa kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap ito ng masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na mailibing siya nang maayos sa bundok. At dahil sa alam niya ang ugali ng berdeng palaka na kabaligtaran ng kaniyang bilin ang gagawin nito, pinili ng Inang Palaka ang mga salitang gagamitin niya sa pagkausap dito. Hindi niya sinabi sa berdeng palaka ang totoong nais niyang mangyari. Sa halip, iniba niya ang bilin sa berdeng palaka.
“Kapag namatay na ako, ilibinga mo ako sa sapa, huwag mo akong iibing sa bundok,” sunod-sunod na bilin ng ina sa berdeng palaka.
Nakikinig nang buong kapanglawan ang berdeng palaka sa ina habang ito’y nakayuko.
“Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.” Paniniyak ng berdeng palaka sa ina.
Pagkaraan ng apat na araw namatay ang Inang Palaka. Ganoon na lamang ang pagsisisi ng berdeng palaka. Alam niya na siya ang dahilan ng maagang kamatayan ng ina.
“Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at maagang namatay,” paninisi ng berdeng palaka sa sarili.
“Susundin ko ina ang bilin mo sa akin na ilibing ka sa pampang ng ilog,” wika ng berdeng palaka.
At kahit alam ng berdeng palaka na hindi tama na ilibing sa pampang ng ilog ang ina dahil sa mabilis at malakas ang alon, baka maanod ang libingan ng ina at dahil sa ito ang bilin, inilibing niya sa pampang ang namatay naina. Kapag malakas ang ulan, binabantayan niya ang libinga ng ina. Nagdarasal siya ng taimtim na nawa’y huwag lumaki ang alon baka matangay nito ang libingan ng ina.
Subalit, tulad nang dapat asahan, dumating ang ulang habagat at tumaas at lumaki ang alon, naanod ang libingan ng Inang Palaka.
Ganoon na lamang ang hagulgol ng berdeng palaka. Naupo ito sa ilalim ng malakas na ulan at doon nagpatuloy sa walang humpay na pag-iyak dahil sa nangyari sa libingan ng ina.
Ito ang dahilan, ayon sa marami kung bakit tuwing umuulan, umiiyak ang berdeng palaka.

PABULA: NAGKAMALI NG UTOS
Sa
malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi.
Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang
Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing
ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay
mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang
kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi
rin.
Isang araw, naisipan niyang
lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig
sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at
tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si
Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa
lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya
napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang ito ay mapuna
ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan
din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa
punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala
naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na
tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing.
Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa.
Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa.
Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa
Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa
palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong
kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang
hari ng kawal.
“Pumunta ka ngayon din sa
kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa
nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing
sa isang labanan.”
Mabilis na lumipad ang
inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy
niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging
sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi laban sa mga
matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit
pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban
sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin
ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng
parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa
gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian
ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga
matsing.
Kinabukasan naroroon na sa
isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring
ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang
putol na kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng
parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo
ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.
Sa kabilang dako naman ay
ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating
ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Kailangang magbayad ang mga
matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang
malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna ng
parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing.
Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang
pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais
nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Nagsimula ang labanan. Dapo
at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga
matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban
sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng
utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang
maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang
lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng
pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga
matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad
na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina.
KALIGIRANG PABULA GALING SA KOREA
Ang mga hayop ay
hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay
may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang
ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa
diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.Ano ang pabula?
Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso.
Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Ang pabula ay isa
sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ikalima at ikaanim na siglo bago
si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa
ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga
sinaunang Hindu, si Kasyapa.
ARLIN 2.2 ANG HATOL NG KUNEHO
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay
nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa
kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na
sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang
sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.
“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.

“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,”
pagmamakaawa ng tigre.
“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upangtulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.
“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”
“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”
Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilangnnaglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” singhal ng tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”
“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

|
|
|
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang pinahahalagahan ng
panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong
ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin ang mga ideya at
imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng
iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat ng Hapon. Ang mga
unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang
ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng
ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang
na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter
ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay
“hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng
mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag.
Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang
simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat
Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang
pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig
na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may
tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman ang dalawang
taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang
nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang
Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao
ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na
sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo
ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na
Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang
lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru
ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang
paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa
huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng
kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso
sa sinundang berso.
Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang
mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang
salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay
“unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng
Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw
ang mensaheng nakapaloob sa tula.
Tanka at Haiku
Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama't nagsimula ang
mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong kaniya-kaniyang katangian ng pagiging
magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay may
kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa
mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili
ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.
Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng
tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit
nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at pagbabago,
pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.
Tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga, isang uri ng sinaunang tula
na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na taludtod na may tigpipitong
pantig sa bawat taludtod, may tugma at puno ng talinghaga. Namalasak ito
noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
A. Panitikan:
Alamat ni Prinsesa Manorah
-Thailand
(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)
B. Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon,§
kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon,§
kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw,§
tuwing, taon-taon, buwan-buwan)

Mga Pang-abay na Pamanahon
1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa,
hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa
daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang
mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at
Prinsesa Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay
ang daan patungo sa kabayanan.
2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang
asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.
3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng
kagubatan upang magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian
ng Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng
mga kagamitan.
------* Nakakatulong ang Pang-abay na Pamanaho sa pagsasalaysay ng alamat dahil sa pagsasaad nito kung kailan ginanap,ginaganap o gaganapin ang pangyayari.