Miyerkules, Oktubre 1, 2014
Aralin 2.3 Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian
Estadistikang
Kasarian
“Babae,
pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at
naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Ang aking guro ang aking Bayani
Ikaw na aking Guro
di biro ang tinuturo
sa mga batang kagaya ko
dapat na irespeto ko
Ikaw na ang naging tulay
naging tungo sa tagumpay
tinggin sa tulad ko'y pantay
talagang ikaw ay tunay
Guro natin ay mahalin
tayo ay mamahalin din
itratong magulang natin
at bilang kayamanan din
maraming salamat sayo
dahil sa mga tinuro
ikaw ay naging gabay
tungo sa maayos na buhay
Para po ito sa iyo mahal naming Guro sa assignaturang Matimatika Ma;am:Daggao yun lamang po at maraming salamat dahil ikaw ang aming naging Gurong tagapayo Masayang Araw ng Mga Guro Ma;am:Daggao......
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Paksa:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang
gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa
bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop
sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang
panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa
lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang
isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa
kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging
tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay
agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba.
Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin .
Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng
anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos
ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang
Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang
pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Paksa: Ponemang Suprasegmental Ponema: pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.
Paksa: Ponemang SuprasegmentalPonema: pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.
1.
Haba
-
Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a,e,i,o,u) ng
bawat pantig.
Halimbawa:
BU.kas
= nangangahulugang sa susunod na araw
Bu.Kas
= hindi sarado
2.
Diin
-
Tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng
salitang binibigkas.
Halimbawa:
BU:hay
= kapalaran ng tao
Bu:HAY
= humihinga pa
3.
Tono
-
Nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipahatig sa kausap.
Halimbawa:
Kahapon
= pag-aalinlangan (213)
Kahapon
= pagpapatibay (231)
4.
Hinto
-
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit
na maging malinaw ang mensahe.
Halimbawa:
Hindi,
siya ang kababata ko.
Hindi
siya, ang kababata ko.
Hindi
siya ang kababata ko.
-
Sinasabi man na ang Ponema ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang
tunog, malaki naman ang ginagampanang tungkulin nito hindi lang sa
Panitikang Pilipino, kundi pati na rin sa atin. Dahil sa pamamagitan nito ay
nalalaman natin ang mga mga mensahe na gustong iparating sa atin ng ating
kausap at kung anong emosyon ang nakapaloob dito.
Paksa: Ang Tanka, Haiku at Tanaga Halimbawa ng Tanka, Haiku at Tanaga: Tanka
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway
Haiku
Matandang sapa
Ang palaka’y tumalon
Lumalagaslas
Tanaga
Palay siyang matino
Nang
humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
.
Pagkakaiba ng Tanka, Haiku at Tanaga
Haiku
Tanaga
|
Basehan
|
Tanka
|
Haiku
|
Tanaga
|
|
Bilang
ng taludtod
|
May
limang taludtod
|
May
tatlong taludtod
|
May
apat na taludtod
|
|
Bilang
ng pantig sa bawat taludtod
|
7-7-7-5-5
o pwedeng magpalit-palit basta ito ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig.
|
5-7-5
o pwedeng magpalit-palit basta ito ay may kabuuang labimpitong pantig.
|
7-7-7-7
na may kabuuang dalawampu’t walong pantig.
|
|
Paksa
|
Pumapaksa sa pagbabago, pag-iisa at
pag-ibig.
|
Kadalasang tungkol sa kalikasan at Pag-ibig
|
Nagpapahayag ng kaisipan.
|
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
HAIKU
Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang
pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo
at ang Haiku noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin
ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na
tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na
naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng
nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa
makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat
ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat
eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng
pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng
pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang
ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong
karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang
pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming
pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na
ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang
sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng
damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa
naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang
ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga
taludtod ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman
ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa
isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng
aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan
naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga
nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo,
isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo
ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas
lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na
may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang
kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang
paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa
huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan
ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang
makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang
berso.
Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na
pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan.
Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang
higure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan
ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos
na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
HAIKU
Paksa: Pandiwang Panaganong Paturol
- Ginagamit
ang Pandiwang Panaganong Paturol upang malaman ang aspekto ng pandiwa. Sabi
nga, hindi mo masasabing pandiwa ang isang kilos kung wala itong aspektong
nagpapahayag kung kailan ito naganap.Ang lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay
para sa aspekto, at ito ay ang :
· Perpektibo- nagsasaad
na naganap na ang isang kilos.
Halimbawa:
Kumuha ng
pera si Justine sa bangko.
· Imperpektibo- nagsasaad
na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap o ginagawa.
Halimbawa:
Nagsusulat ang
mga mag-aaral habang nagtuturo ang guro.
· Kontemplatibo- nagsasaad
na ang kilos ay gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Mag-eensayo kami
ng sayaw pagkatapos ng klase.
· Katatapos
lang- nagsasaad na ng kilos ay katatapos lang.
- nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka+ pag-uulit
ng unang panting ng
salitang –ugat+salitang –ugat.
Halimbawa:
Kaiinom
ko lang ng gamot.
- Mahalaga
ang paggamit ng Pandiwang Panaganong Paturol, ito ay dahil sa nalalaman natin
kung kailan naganap ang kilos sa isang pangugusap. Hindi man natin napapansin
na kung minsa’y nagagamit natin ito, hindi naman natin maitatangi na mahalaga
ang papel na ginagampanan nito s Panitikang Pilipino.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)