Ang AKing Karanasan Sa Baitang Siyam
> Dito ang aking masasabi ay Natutuwa ako dahil masaya na
matututo kapa kaya ako ay tuwang tuwa habang ako ay nag aaral ng baitang siyam. Kaya nabigyang pansin namin ang halaga ng kagandahang asal sa aming pag aaral ng filipino 9. Natutunan ko
din ang mga ibat ibang kultura,panitikan,kaugalian,tradisyon. Nga
mga ibat ibang bansa ng asya. Kaya na dag-dagan ang aking kaalaman at napalawk pa ito. Napaka saya talaga ang taong ito
kaya di ko ito makaka limutan "Natututo kana,Masaya ka pa"
K-12
> Para sa akin ang K-12 ay nakakatulong dahil sa mga estudyante
na di makakapag kolehiyo o ayaw ng mag aral. Ngunit ito ay masyadong matagal sa sekondarya ang pag aaral kaya parang tatamarin kang mag aral. Pero sa akin ito ay nakakatulong dahil
sapat ang iyong natutunan at mas maraming itong aktibidad lalo
kang sisipagin dahil dito ang ibang estudyante ay ginaganahan tulad ko malalaman talaga ng bawat mag aaral na tama at maling
pag gawa sa buhay dahil sapat ang curiculum na ito. Makikita morin ang magandang produkto ng mga mag-aaral.
Aking_GURO
> Aking Guro ay sa unang tingin ay masusungitan ka pero pag
nalaman mo ganun pala siya mag turo ay magiging masaya ka la-
lo na sakanyang mga karanasan sa buhay na kini kwento nya.
Pag pasok nya sa aming silid bigla na kaming tatahimik dahil nga
sa unang tingin mo ay masusungitan ka kala mo na galit yun pala
ay ganun lang siya talaga. Pag dating naman sa pag tuturo ay sigu-
radong matututo ka dahil talagang nana isin mong makinig sa kanya dahil magaling siya mag paliwanag ng aming pinag aaralan
at hindi ka tatamarin at sisipagin ka pa mag aral. Yan ang aming guro. Bawat araw na nag tuturo siya ay lagi pa nya kaming pina sa-
saya. Maraming salamat po! Para sa aking Guro sa Filipino.
Linggo, Marso 22, 2015
Linggo, Marso 15, 2015
Repleksyon para sa linggong ito....!
Nga yong linggong ito isinagawa namin ang aming Pag susulit o ang PRELIM.
Pagkatapos ng lahat ng pag susulit kami ay tinalakay ulit ang Noli Me Tangere
tibalakay namin naman ang mga kabanata na tungkol kay Maria Clara at Sisa
at sina gawa nanamin ang mga pag uulat nga bawat guro at ang gawain na pang
katan na napunta sa amin ay ang mga katangian ng mga kababihan na moderno
dahil dito ang laki na ng pinag kaiba ng mga kababaihan noon at ngayon.
Pag katapos nun Binigyan ulit kami ng isang pang katang gawain na tumatalakay
parin kay Maria Clara ito ay slogan.Nag bigay si Gng.Mixto ng Takdang Aralin.
Linggo, Marso 1, 2015
REPLEKSYON para sa LINGGONG ito.
Para sa linggong
ito ay ipnagpatuloy
namin ang pag talakay sa Noli Me Tangere.
Tinapos namin
ang bawat pang yayari sa mgakabanata namay kaugnayan kay Crisostomo
Ibarra.Nag
karoon kami ng isang aktibidad naMock Trial
kung saan si Crisostomo Ibarra atElias ang
nasasakdal batay sa
kaganapan saNoli Me
Tangere.
Nagkaroon
din kami ng isang pag susulit tungkol
SaMga
kabanata namay kaugnayan kay
CrisostomoIbarra sa
kanyang buhay.
Binigyan din
kami ng mga takdang aralin napangkatan at
pang indibidual tungkol naman kay Eliasat buod nga
mga kabanata tungkol naman kayCrisostomo
Ibarra.
Linggo, Pebrero 22, 2015
Aking Repleksyon........
Aking REPLEKSYON Para sa linggong ito !
Nag balik aral mo na kami sa aming pinag aralan nung naka raang linggo
at Pina liwanag ni Gng. Mixto ang mga tamang pangyayari sa Noli Me Tangere.
Dito din binigyan pansin ang bawat mali ng bawat grupo sa mga pag uulat.
Pag katapos nun pinag patuloy na ulit ang pag uulat naman ng mga kabanatang
naka tukoy lamang kay Crisostomo Ibarra . Bawat grupo ay nabigyang.
Pinanood din namin ang pelikulang Bonifacio. Ipag papatuloy padin ang
pag uulat para kay Crisostomo Ibarra.
Linggo, Pebrero 15, 2015
REPLEKSYON KO NGAYONG LINNGO......
Inatasan kaming iulat ang mga importanteng kabanata sa Noli ME Tangere
at dapat nila itong iulat ng masining na paraan ang bawat kabanata.
Ang aming takdang aralin sa bawat pag uulat nga mga kabanata ay isulat ang
mga kaganapan na nakatukoy sa karakter na si Crisostomo Ibarra .
Matapos ang lahat ng grupo ay kami ay mag kakaroroon ng isang pag susulit
tungkol sa Noli Me Tangere. Ngunit di ito natuloy. Kaya gumawa kami ng isang tula
tungkol sa pag ibig dahil iginugunita ang araw ng puso ngayung buwan ng Pebrero.
Linggo, Pebrero 1, 2015
Para Sa Linggong Ito....
Para sa Linggong ito ay tinalakay nanamin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere .
Binigay din namin ang mga kanilang mga Kinakatawan sa kwento at binigyang
pansin namin ang kanilang kagaya o ang kanilang totoong katauhan sa buhay ni Rizal
tulad ni Crisostomo Ibarra siya si Jose Rizal. Ang mga pangunahing tauhan ay si
Crisostomo Ibarra,Maria Clara at Padre Damaso.Mga importanteng kaganapan din
sa akdang ito tulad ng pag ligtas kay Crisostomo Ibarra ni Elias at Pinag alaman na patay
na si Ibarra ngunit ang nabaril pala ay si Elias,
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere
| Mga Tauhan: Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang Señor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. Iday, Sinang, Victoria,at Andeng Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Don Saturnino Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. Mang Pablo Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin Tinyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. | ||
Linggo, Enero 18, 2015
Ang aking REPLEKSYON para sa linggong ito...
#NOLI ME TANGERE
Aming ginawa dito ay aming tinalakay konting kaalaman sa NOLI ME TANGERE.
Binigay din ni Gng. Mixto ang pokus na tanong para sa markahang ito binigay din ng aming guro ang mga tatalakayin para NOLI ME TANGERE at binigay din dito ang aming magiging produkto tulad ng Pagbuo ng Trailer at Pagsasagawa ng short film. Nag sagot din kami sa aming Pre-Test yun lang.
PASKO At BAGONG TAON.!
PASKO
Kami ay masayang sinalubong ang kapaskohan dahil dito nag dulot ito ng kaginhawaan sa aking psuo.Nag handa kami para sa noche buena at sapit ng 12:00 ay kami ay nag sama sama na at pinag saluhan ang aming handa na luto ng aking Mama at Lola. Kina bukasan ang mismong araw ng pasko kami ay dumalaw sa aming mga kamag anak at sina mahan ko ang aking kapatid upang mamasko sa kanyang ninong ay ninang nagagalak ako nga araw nayun dahil sa mga nakikita kong mga batang namasko dahil ang dami nila. Pag katapos ng lahat ng ito kami ay gumala naman upang ipag diwang ang mismong araw nga kapaskohan.
BAGONG TAON
Pag katapos naman ng kapaskohan sunod namin naman pinag handaan ang bagong taon. Sa bagong taon pinag handaan naman namin ito pag sa lubong taon ng 2015 kami at naging buisy sa pag hahanda at pag bili ng mga aming ihahanda higit sa lahat ang aming kagamitan na pang paingay tulad ng torotot. Nanood din kami nga isang fireworks display naging masaya kami itong bagong. Pag sapit ng media noche kami ay kompletong nag harap harap sa hapag kainan at sina lubong namin ang bagong taon ng masaya......
Linggo, Enero 11, 2015
ANG AKING REPLEKSYON PARA SA LINGGONG ITO!...
Ang Aking
Repleksyon para sa Linggong Ito!...^_^
Tinalakay namin dito ang “Sanaysay” . Ang Sanaysay
ay tuluyang kathaing naglalahadNg kaalaman,kuro kuro , o damdamin sa isang
guni-guni pansarili at di tapos na pamaraan.Ti nalakay din namin dito ang Pamaksa at pantulong na
pangungusap. Ang Pamaksang pangungusap ay nagbibigay liwanag sa pahayag ng
talata samantalang ang pantulong na pangungusap naman ay mga detalye na
nagbibigay paliwanag sa isinasaad ng pamaksang pangungusap.At Nag
sagawa din kami ng isang gawain na manood ng isang dokumentaryo kasabay nito
amin ding sinagutan ang mga sumusunod na mga katanungan . Ito lamang ang aming isinagawa
ngayung linggong ito.

Linggo, Nobyembre 30, 2014
Ika- apat na repleksyo
Ika- apat na repleksyon
Tinalakay naming ang Parabula at
Talinghaga
Ang Parabula ay.Ang salitang Parabula
ay nag-
mula sa salitang griyego na “parabole”.
Ang
Parabula ay ginagamit sa pagtutulad
at metaphor.
Madalas na hango sa Banal na
kasulatan at umaa-
Kay sa tao upang mag bigay aral.
Nag basa kami ng Parabulang
Manggagawa sa
Ubasan.
Talinghaga ay pangungusap,parirala
oisang salay-
Say na may malalim o hindi tuworang
katuturan na
Kailangan pag-iisaipang mabuti upang
maunawaan.
Nag sagawa din kami nga mga Gawain ditto
nag bigay din sia Gng. Mixto ng takdang aralin na mag hanap ng mga halimbawa
Ng Talinghaga. Nag basa din kami ng
talinghaga taulad ng Talinghaga ng Banga..
Linggo, Nobyembre 23, 2014
Aking Repleksyon......# 2 at 3
Ang Repleksyon
ko sa 3 at 2 (linggo)
(3 linggo)
Kami lamang ang nag balik tanaw sa
aming pinag aralan na RAMA at SITA.
Pati narin ang paghahambing na binubuo ng dalawang uri na Pag hahambing
na mag katulad at Pag hahambing
na di- magkatulad at nag sagawa kami ng mga pag sasanay
tungkol sa mga aming pinag aaralan.Nag sagot din kami sa mga katanungan
na tungkol sa mga taong inisip lang ang sariling kagustuhan upang
umangat sa buhay.Kami din ay nag sagawa ng mga gawain dito tungkol sa pag
hahambing……..
(2 linggo)
Kami nag balik tanaw sa rama at sita.Dito ay
ang among guro na si Gng. Mixto ay pansaman talang hindi makaka pag turo at ang
aming naging guro ay si Binibining. Usa siya ang nag turo sa amin ng uri nga
mga Pag hahambing at ito ay may dalawang uri ito ang Pag hahambing na Mag
katulad at ang Pag hahambing n Di-magkatulad .Nag sagawa kami ng isang group
activity na ayon dita nag sagawa rin kami ng indibidual na gawain……
MARAMING SALMAT PO…..
Martes, Oktubre 21, 2014
ANG MGA AKDA SA IKALAWANG MARKAHAN (FILIPINO 9)
PAGSULAT NG PABULA
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat
gawin upang makasulat ng magandang pabula.
1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.
3. Iaayos ang banghay
Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng mga tauhan patungo sa wakas.

4. Ilahad ang naging wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa pamamagitan ng paglalahad ng
kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.

MODAL
Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng
kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa
nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at hangad. Ang
anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.
Dalawang Gamit Nito
1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong
pandiwa.
Hal. Gusto ko ang damit mo.
Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga
modal na gusto,
hangad at kailangan ang
nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa
pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
1. Nagsasaad ng
kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng
hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim
na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng
kakayahan o posibilidad
a. Puwede silang dumating mamaya.
b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng
obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
b. Kailangan mag-aral kang mabuti.
PABULA: ANG SUTIL NA PALAKA
Noong unang panahon, may isang berdeng palaka na
naninirahan sa isang lawa kasama ang inang palaka na isang biyuda.
May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi niya sinusunod ang mga pangaral ng ina. Kapag may sinabi ang inang palaka, kabaligtaran ang ginagawa ng berdeng palaka. Kapag sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro, sa sapa naman siya maglalaro. Kapag sinabi ng ina na umakyat, bababa naman siya. Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa kaliwa siya pupunta.
Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na lamang kahihiyan ang ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.
“Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” Himutok ng Inang Palaka.
“Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at ano mang oras ay maaari akong mamatay? Kailangang gumawa ako ng paraan upang maputol na ang pagiging sutil niya,” sunod-sunod na nausal ng ina sa sarili.
Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang Palaka ang berdeng palaka tungkol sa kabutihang-asal subalit patuloy na binabale-wala ng berdeng palaka ang pangaral ng Inang Palaka. Nagpatuloy pa rin ang berdeng palaka sa pagiging sutil.
Hanggang sa dumating ang panahon na naramdaman ng Inang Palaka na siya’y mamamatay na. Tinawag niya sa kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap ito ng masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na mailibing siya nang maayos sa bundok. At dahil sa alam niya ang ugali ng berdeng palaka na kabaligtaran ng kaniyang bilin ang gagawin nito, pinili ng Inang Palaka ang mga salitang gagamitin niya sa pagkausap dito. Hindi niya sinabi sa berdeng palaka ang totoong nais niyang mangyari. Sa halip, iniba niya ang bilin sa berdeng palaka.
“Kapag namatay na ako, ilibinga mo ako sa sapa, huwag mo akong iibing sa bundok,” sunod-sunod na bilin ng ina sa berdeng palaka.
Nakikinig nang buong kapanglawan ang berdeng palaka sa ina habang ito’y nakayuko.
“Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.” Paniniyak ng berdeng palaka sa ina.
Pagkaraan ng apat na araw namatay ang Inang Palaka. Ganoon na lamang ang pagsisisi ng berdeng palaka. Alam niya na siya ang dahilan ng maagang kamatayan ng ina.
“Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at maagang namatay,” paninisi ng berdeng palaka sa sarili.
“Susundin ko ina ang bilin mo sa akin na ilibing ka sa pampang ng ilog,” wika ng berdeng palaka.
At kahit alam ng berdeng palaka na hindi tama na ilibing sa pampang ng ilog ang ina dahil sa mabilis at malakas ang alon, baka maanod ang libingan ng ina at dahil sa ito ang bilin, inilibing niya sa pampang ang namatay naina. Kapag malakas ang ulan, binabantayan niya ang libinga ng ina. Nagdarasal siya ng taimtim na nawa’y huwag lumaki ang alon baka matangay nito ang libingan ng ina.
Subalit, tulad nang dapat asahan, dumating ang ulang habagat at tumaas at lumaki ang alon, naanod ang libingan ng Inang Palaka.
Ganoon na lamang ang hagulgol ng berdeng palaka. Naupo ito sa ilalim ng malakas na ulan at doon nagpatuloy sa walang humpay na pag-iyak dahil sa nangyari sa libingan ng ina.
Ito ang dahilan, ayon sa marami kung bakit tuwing umuulan, umiiyak ang berdeng palaka.

PABULA: NAGKAMALI NG UTOS
Sa
malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi.
Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang
Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing
ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay
mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang
kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi
rin.
Isang araw, naisipan niyang
lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig
sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at
tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si
Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa
lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya
napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang ito ay mapuna
ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan
din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa
punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala
naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na
tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing.
Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa.
Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa.
Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa
Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa
palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong
kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang
hari ng kawal.
“Pumunta ka ngayon din sa
kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa
nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing
sa isang labanan.”
Mabilis na lumipad ang
inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy
niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging
sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi laban sa mga
matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit
pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban
sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin
ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng
parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa
gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian
ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga
matsing.
Kinabukasan naroroon na sa
isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring
ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang
putol na kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng
parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo
ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.
Sa kabilang dako naman ay
ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating
ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Kailangang magbayad ang mga
matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang
malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna ng
parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing.
Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang
pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais
nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Nagsimula ang labanan. Dapo
at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga
matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban
sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng
utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang
maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang
lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng
pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga
matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad
na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina.
KALIGIRANG PABULA GALING SA KOREA
Ang mga hayop ay
hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay
may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang
ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa
diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.Ano ang pabula?
Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso.
Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Ang pabula ay isa
sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ikalima at ikaanim na siglo bago
si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa
ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga
sinaunang Hindu, si Kasyapa.
ARLIN 2.2 ANG HATOL NG KUNEHO
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay
nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa
kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na
sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang
sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.
“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.

“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,”
pagmamakaawa ng tigre.
“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upangtulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.
“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”
“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”
Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilangnnaglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” singhal ng tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”
“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

|
|
|
|
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang pinahahalagahan ng
panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong
ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin ang mga ideya at
imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng
iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat ng Hapon. Ang mga
unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang
ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng
ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang
na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter
ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay
“hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng
mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag.
Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang
simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat
Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang
pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig
na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may
tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman ang dalawang
taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang
nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang
Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao
ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na
sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo
ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na
Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang
lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru
ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang
paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa
huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng
kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso
sa sinundang berso.
Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang
mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang
salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay
“unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng
Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw
ang mensaheng nakapaloob sa tula.
Tanka at Haiku
Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama't nagsimula ang
mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong kaniya-kaniyang katangian ng pagiging
magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay may
kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa
mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili
ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.
Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng
tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit
nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at pagbabago,
pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.
Tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga, isang uri ng sinaunang tula
na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na taludtod na may tigpipitong
pantig sa bawat taludtod, may tugma at puno ng talinghaga. Namalasak ito
noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
A. Panitikan:
Alamat ni Prinsesa Manorah
-Thailand
(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)
B. Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon,§
kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon,§
kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw,§
tuwing, taon-taon, buwan-buwan)

Mga Pang-abay na Pamanahon
1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa,
hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa
daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang
mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at
Prinsesa Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay
ang daan patungo sa kabayanan.
2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang
asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.
3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng
kagubatan upang magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian
ng Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng
mga kagamitan.
------* Nakakatulong ang Pang-abay na Pamanaho sa pagsasalaysay ng alamat dahil sa pagsasaad nito kung kailan ginanap,ginaganap o gaganapin ang pangyayari.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)