Linggo, Pebrero 22, 2015

Aking Repleksyon........






Aking REPLEKSYON Para sa linggong ito !



      Nag balik aral mo na kami sa aming pinag aralan nung naka raang linggo
at Pina liwanag ni Gng. Mixto ang mga tamang pangyayari sa Noli Me Tangere.
Dito din binigyan pansin ang bawat mali ng bawat grupo sa mga pag uulat.
Pag katapos nun pinag patuloy na ulit ang pag uulat naman ng mga kabanatang
naka tukoy lamang kay Crisostomo Ibarra . Bawat grupo ay nabigyang.
Pinanood din namin ang pelikulang Bonifacio. Ipag papatuloy padin ang
pag uulat para kay Crisostomo Ibarra.

Linggo, Pebrero 15, 2015

REPLEKSYON KO NGAYONG LINNGO......







Inatasan kaming iulat ang mga importanteng kabanata sa Noli ME Tangere
at dapat nila itong iulat ng masining na paraan ang bawat kabanata.
Ang aming takdang aralin sa bawat pag uulat nga mga kabanata ay isulat ang
mga kaganapan na nakatukoy sa karakter na si Crisostomo Ibarra .
Matapos ang lahat ng grupo ay kami ay mag kakaroroon ng isang pag susulit
tungkol sa Noli Me Tangere. Ngunit di ito natuloy. Kaya gumawa kami ng isang tula
tungkol sa pag ibig dahil iginugunita ang araw ng puso ngayung buwan ng Pebrero.

Linggo, Pebrero 1, 2015

Para Sa Linggong Ito....








                                       
Para sa Linggong ito ay tinalakay nanamin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere .
Binigay din namin ang mga kanilang mga Kinakatawan sa kwento at binigyang 
pansin namin ang kanilang kagaya o ang kanilang totoong katauhan sa buhay ni Rizal
tulad ni Crisostomo Ibarra siya si Jose Rizal. Ang mga pangunahing tauhan ay si 
Crisostomo Ibarra,Maria Clara at Padre Damaso.Mga importanteng kaganapan din
sa akdang ito tulad ng pag ligtas kay Crisostomo Ibarra ni Elias at Pinag alaman na patay
na si Ibarra ngunit ang nabaril pala ay si Elias,



Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Mga Tauhan:

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral 
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.